
Master Hanz Cua warns of “office gossip” and the return of “old flames”—here’s how to stay protected as energy shifts today.
Happy Wednesday! ☕ Mid-week energy is here, and for many signs, it’s a bit of a tug-of-war between the past and the future. I’m seeing ‘old flames’ resurfacing for the Monkey and Tiger, while the Rat needs to watch out for office rumors. Today is about holding your ground. Don’t be pressured by others—move at your own pace and keep your luck charms charged! 🌈
Your Chinese horoscope for today, February 18, 2026
🐀 RAT
Love: May bagong kilig sa paligid, pero huwag masyadong magpadala—baka hindi pa siya handa sa seryosong relasyon.
Health: Makakaranas ka ng panlalambot ng katawan, mag-vitamins ka at iwasan ang pagpupuyat.
Career: Maging alerto sa trabaho—baka may karelasyong officemate na nagiging sanhi ng tsismis.
Wealth: Huwag agad bumili ng bagong gamit—baka may lalabas na mas magandang deal bukas.
Lucky Direction: North | Lucky Time: 9AM-11AM
Lucky Color: Red | Lucky Number: 2
Feng Shui Advice: Maglagay ng Tai Sui Protection Card sa wallet ngayong papalapit na ang Lunar New Year. Available sa Lucky Charm Store ni Master Hanz Cua.
🐂 OX
Love: Magaan ang daloy ng usapan n’yong mag-partner. Sulitin ito para magplano ng masayang bonding.
Health: Pananakit ng kasu-kasuan—magpatingin kung paulit-ulit na itong nararanasan.
Career: May papuri mula sa boss—ipagpatuloy mo ang pagiging responsable.
Wealth: May maliit na halagang darating, gamitin ito sa pampaswerte tulad ng anting-anting o bracelet.
Lucky Direction: Southeast | Lucky Time: 8AM-10AM
Lucky Color: Green | Lucky Number: 8
Feng Shui Advice: I-charge ang wealth corner mo sa bahay gamit ang Green Aventurine na bracelet ni Master Hanz.
🐅 TIGER
Love: Puwedeng dumating ang dating kababata o ex na may dalang pagbabalik-loob. Huwag agad bumigay.
Health: Matamlay ka buong araw—baka kulang ka sa tubig. Uminom ng maraming fluids.
Career: May pagkakataon kang mamuno sa isang maliit na proyekto. Huwag palampasin.
Wealth: May kinanselang order o bayad na delay—huwag mag-panic, may parating na kapalit.
Lucky Direction: West | Lucky Time: 2PM-4PM
Lucky Color: Yellow | Lucky Number: 6
Feng Shui Advice: Maglagay ng coin charm sa iyong cellphone o bag upang i-attract ang bayad na delay.
🐇 RABBIT
Love: Maganda ang vibes mo kaya maraming nagkakagusto. Piliin ang taong may tunay na intensyon.
Health: May allergy o ubo na magpapababa ng energy mo—umiwas sa alikabok o biglaang lamig.
Career: May issue sa team na dapat mong tapusin bago lumala—maging tagapamagitan.
Wealth: Iwasan ang impulsive online shopping. I-check muna kung kailangan talaga.
Lucky Direction: Northeast | Lucky Time: 10AM-12NN
Lucky Color: White | Lucky Number: 1
Feng Shui Advice: Magsuot ng evil eye bracelet para maiwasan ang inggit mula sa katrabaho o kapitbahay.
🐉 DRAGON
Love: Masyado kang abala kaya nakakaligtaan mong pakinggan ang partner mo—maglaan ng oras.
Health: May stiff neck o pananakit sa likod—magpa-massage kung kinakailangan.
Career: Iwasang makisali sa mga diskusyon na wala kang kinalaman—baka ikaw pa ang mapagbintangan.
Wealth: May chance sa pa-kontest o raffle—isali mo ang sarili mo ngayong araw.
Lucky Direction: East | Lucky Time: 3PM-5:PM
Lucky Color: Blue | Lucky Number: 5
Feng Shui Advice: Panatilihing aktibo ang swerte gamit ang Dragon crystal bracelet mula kay Master Hanz.
🐍 SNAKE
Love: Lumalalim ang koneksyon n’yo—pero bantayan kung may pumapagitna o third party.
Health: May tendency ka sa acid reflux o kabag—iwasan ang sobrang kape o maasim.
Career: Huwag magpa-pressure sa ibang tao. Gawin mo ang trabaho ayon sa kakayahan mo.
Wealth: Puwede kang kumita sa talent o hobby mo ngayong araw—explore mo ito.
Lucky Direction: Southwest | Lucky Time: 7AM-9AM
Lucky Color: Purple | Lucky Number: 9
Feng Shui Advice: Protektahan ang relasyon at kabuhayan gamit ang Rose Quartz at Obsidian combo bracelet.
🐴 HORSE
Love: Maging alerto sa panghihimasok ng mga dating ex o third party ngayong panahon ng reunion.
Health: Ang biglang pananakit ng likod o leeg ay pwedeng senyales ng stress o may naipit na energy.
Career: May lumang isyu na muling bubulaga sa trabaho—harapin ito nang may tapang.
Wealth: Hindi ito ang panahon para magsugal—lumayo sa temptasyon ng easy money.
Lucky Direction: East | Lucky Time: 10AM-12PM
Lucky Color: Red | Lucky Number: 5
Feng Shui Tip: Mainit ang ulo ng Tai Sui sa ‘yo ngayong taon! Magpa-Tai Sui card na mula kay Master Hanz Cua at huwag palampasin ang proteksyon.
🐐 GOAT
Love: May misunderstanding sa partner, pero huwag hayaan lumala—isang sweet gesture ay makalulutas.
Health: Iwasan ang malamig na inumin, lalo kung may allergy ka sa panahon.
Career: May biglaang pagbabago sa opisina—pwedeng may mag-resign o mag-reshuffle.
Wealth: Hindi ito ang panahon para umutang o magpautang.
Lucky Direction: Southeast | Lucky Time: 2PM-4PM
Lucky Color: Gold | Lucky Number: 3
Feng Shui Tip: Magsabit ng Wu Lou sa bedroom para iwas sakit at dagdag vitality ngayong papalapit ang Lunar New Year.
🐵 MONKEY
Love: May old flame na muling nagpaparamdam—pero baka dala lang ito ng nostalgia.
Health: Kalma lang kung may sumasakit na ulo, baka epekto lang ng pagod o dehydration.
Career: Panahon na para i-declutter ang workspace mo—maraming good energy ang matatrap sa kalat.
Wealth: May bonus o extra kita, pero huwag ubusin sa bisyo o luho.
Lucky Direction: North | Lucky Time: 6AM-8AM
Lucky Color: Yellow | Lucky Number: 1
Feng Shui Tip: Maglagay ng wealth bowl na may genuine crystals sa Southwest corner ng iyong opisina o bahay.
🐔 ROOSTER
Love: Ikaw ang emotional support ng pamilya—huwag kalimutang alagaan din ang sarili.
Health: May posibilidad ng minor accident sa kusina o habang naglilinis.
Career: Huwag basta-basta magtiwala lalo na sa chismis sa trabaho.
Wealth: May gastusing hindi inaasahan—ihanda ang emergency fund.
Lucky Direction: West | Lucky Time: 9AM-11AM
Lucky Color: Green | Lucky Number: 6
Feng Shui Tip: Isa ka rin sa mga signs na conflict kay Tai Sui. Magpa-reading at kumuha ng Tai Sui amulet kay Master Hanz bago Lunar New Year!
🐶 DOG
Love: Mahirap ang long-distance ngayon—maghanap ng paraan para ipadama ang presence mo.
Health: Mas sensitive ka sa amoy at allergy—linisin ang paligid mo lalo na ang kama at kurtina.
Career: Maaaring mapansin ka ng boss, kaya iwas sa petiks mode.
Wealth: Hindi mo mapipigilan ang gastos kung hindi ka magbu-budget ngayon pa lang.
Lucky Direction: Northwest | Lucky Time: 1PM-3PM
Lucky Color: White | Lucky Number: 7
Feng Shui Tip: Mag-display ng wealth ship na puno ng coins or ingots sa sala bilang welcome sa papasok na taon.
🐖 PIG
Love: May mga taong nagseselos sa closeness niyo ng partner. Protektahan ang inyong relasyon.
Health: Bantayan ang blood pressure—maaaring ma-trigger ng stress o init ng ulo.
Career: May posibleng paglalaban sa posisyon o project, ipaglaban kung ikaw ang tama.
Wealth: May darating na proposal, pero i-double check ang terms bago pumirma.
Lucky Direction: South | Lucky Time: 3PM-5PM
Lucky Color: Blue | Lucky Number: 9
Feng Shui Tip: Magsuot ng crystal bracelet na may Lapis Lazuli o Tiger’s Eye para sa career protection. Available ang mga ito sa Lucky Charm Store ni Master Hanz Cua.
Ikaw ang emotional support ng pamilya—huwag kalimutang alagaan din ang sarili.
Hanz on Rooster sign
READ:
Hanz on radar: Post-Valentine’s luck and zodiac warnings this February 15!
Master Hanz Cua
February 15, 2026
Hanz on radar: It’s adjustment day! Align your chi and reflect this Chinese New Year!
Master Hanz Cua
February 17, 2026
Hanz on radar: Managing your ‘ang pao’ and avoiding finance traps this February 16!
Master Hanz Cua
February 16, 2026
