
Kapuso actor opens up on grief, legal battle, and painful first Father’s Day without his dad.
For Kelvin Miranda, work has become his way of coping with the pain of losing his father, Patricio Miranda.
His father, a motorcycle rider, passed away last April after being struck by a van in a vehicular accident. The Miranda family is now mourning the loss of their patriarch and has decided to file a case against the driver involved.
In an exclusive interview with radar Entertainment at Isha Ponti’s “LIKAS” album launch and birthday celebration at Viva Cafe on June 20, the Kapuso actor opened up about where he draws strength to move forward.
“Sa kanya pa rin naman, kasi sobrang lakas ng tatay ko. Tough love siya. Hindi siya ’yong tipo ng tatay na ideal. As in, kung may kasalanan ka, hindi ka makakarinig ng comfort. Mataas talaga, malakas ’yong presensiya niya, malakas ’yong personality niya. Gano’n din kalakas ’yong dating no’ng nawala siya sa bahay. May piyesa talagang nawala sa bahay na makikita at mararamdaman mo talaga.”
Kelvin shared that staying busy helps him function. “Ang coping mechanism ko kasi ’yong magpaka-busy, magtrabaho kaysa nasa bahay lang ako na iniisip ko ’yong Tatay ko. Mabigat kasi—nakikita ko siya sa lahat ng anggulo sa bahay. ’Yong memorya, ’yong routine, ’yong oras ng uwi, lahat nakikita ko. Mas nakakapag-function ako. Naiisip ko siya, pero mas kaya kong isipin na keep going. Hindi siya madali, at sa tingin ko, hindi rin siya magiging madali para sa pamilya namin.
“I think never akong makaka-move on sa pagkawala ng Tatay ko. Napakaraming lessons ang iniwan niya sa akin at sa aming magkakapatid.”

Among those lessons is being careful with decisions. “’Yong pagpili sa bawat desisyon, kailangang siguraduhing mabuti. Hindi basta-basta nagdedesisyon. Ang tamang resulta ay nakukuha sa marahang pag-iisip. Sinasabi niya na lahat ng desisyon n’yo may effect sa inyo. Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang magiging epekto ng desisyon mo hanggang lumabas ’yong resulta.”
With Father’s Day falling shortly after the interview, Kelvin admitted it would be especially difficult for their family.
“Last Father’s Day, ’yong tipo na okay, medyo maluwag ako—tinreat ko ’yong family ko sa restaurant. Nag-bonding kami. Ngayon, naiisip ko malungkot. Bumabalik ’yong alaala. Nagpe-play palagi sa isip ko ’yong aksidente. Pag nag-iisa ako, lagi kong naiisip kung paano nangyari. Every time na maiisip ko ’yon, nalulungkot ako. Biglaan talaga. Hindi ko inaasahan kasi ang lakas-lakas ng erpat ko—sa isang iglap, nawala siya.”
On the ongoing legal case
“Siguro sa bahay lang. Gusto naming namnamin ’yong bawat sandali na magkakasama kami. Pare-pareho naming yakapin ’yong kalungkutan na nararamdaman namin.”
On the legal case, Kelvin said it is ongoing. “Tinatrabaho namin at hinaharap kung ano ’yong puwedeng mangyari. Nag-iisip kami ng paraan kung saan mas makakabuti sa pamilya namin. Sama-sama kaming nagdedesisyon— hindi lang Nanay namin. Pinag-uusapan talaga namin kung ano ang gagawin.”
He declined to share further details but emphasized sincerity if an apology is made. “Ayoko na lang magsalita tungkol doon. Kung ano ’yong maging resulta, sa amin na lang siguro ’yon. Pero kung hihingi sila ng tawad, iparamdam naman nila na sinsero—na talagang nakikiramay sila sa pagkawala ng tatay namin. At sana ipagdasal nila ang kaligtasan ng Tatay ko.”
Kelvin was last seen in “Encantadia Chronicles: Sang’gre,” where he played Adamus. He is currently focusing on film projects, including one with Cherry Pie Picache and Ruby Ruiz.
Focusing on acting and filmmaking
“Heto, doing well. Mas nagpo-focus muna kami sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang ng shooting, naghihintay na lang ng schedules. Based on true events siya—hindi typical na pelikula,” he said.
“Coming from ‘Sang’gre’ na superhero ka, dito magnanakaw naman kami. ’Yong tinatawag na ‘termite gang’—’yong naghuhukay sa ilalim ng lupa at umaakyat sa kisame para magnakaw. Ipapakita kung bakit nila ginagawa ’yon at anong sitwasyon ang nagtulak sa kanila,” said Kelvin.
He also expressed admiration for his co-stars. “Ang masasabi ko lang, it’s an honor na naka-eksena ko sila. Si Ms. Ruby, nakatrabaho ko na before, pero si Ms. Cherry Pie, first time. Minsan hindi mo alam kung aarte ka o manonood ka sa galing niya. Pero ang saya—magkasama kayo sa iisang frame. Para na akong nanalo sa lotto.”
“Nakaka-mesmerize, lalo na in person. Nakakataba ng puso. Masaya ako na naka-eksena ko sila.”
READ:
Ahtisa Manalo lands key role in ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’
Kiko Escuadro
April 7, 2026
Kelvin Miranda almost tricked by fake GMA exec in shocking talent scam attempt
Kiko Escuadro
May 30, 2026
‘Encantadia’ stars say goodbye to characters who shaped them off screen
Brian Duave
May 7, 2026
